India
Ang pangkat ng mga Aryan ang unang sumakop sa India. Sila ay naninirahan sa ilog lambak ng Indus kasama ang mga sinaunang nomad ng lupain. Tinawag ng mga Aryan ang mga taong inabutan nila na Dravidians. "Maitim" ang kahulugan ng salitang Dravidians sa wikang Sanskrit, dahil sa maitim na kulay ng balatng mga sinaunang tao sa Indus,samantalang ang mga Aryan naman ay matatngkad at may mapusyaw na balat. Sila ay ang mga nomad na karaniwang nakikipagkalakalan sakay sa kani- kanilang mga kabayo. Mayroon silang sariling wika ngunit walang sistema ng pagsulat. Sila din ay nag aalay ng sakripisyo sa kanilang mga kinikilalang diyos ng kalikasan tulad ni Indra, diyos ng kidlat, at si Agni, diyos ng apoy. Ang mga Dravidians naman ay mga taong bayan na nainirahan sa mga lungsod na nagsasanggalang ng mga pader. sila ay nanalig sa mga diyos na nagbibigay liwanag sa mga prinsipyo sa buhay, tulad ni Shiva at ibpa.
Sa pagdaan ng panahon ang dalawang pangkat ay nagkasundong mamuhay sa ilalim ng iisang kaayusang panlipunan. bunga nito sila ay din nagsanib ng paniniwala at ito ay tinwag nilang Hinduism. Mula sa pilosopiyang ito nagsimula ang sistemang caste sa lipunang Indian.
*Sistemang Caste
Nang ang sistemang ito ay natatag, ang lipunan ay napangkat sa iba't ibang estado sa buhay (hindi pantay-pantay). Ang katayuang kinagisnan ng isang mamamayan ay mananatili at imamana sa susunod na mga henerasyon.
Ang sistemang caste ay kilala din sa tawag na Varna sa Rig Veda. Sa ilalim ng sistemang caste, ang mga Hindu Ay napangkat sa:
-Brahmin: pari at mga iskolar
-Kshatriya: Mandirigma
-Vaishya: Mangangalakal at magsasaka
-Sudra: Pinakamababang pangkat na nagsisilbi bilang mga utusano katulong o manggagawa sa mga sakahan.
Ang tardisyon ng mga Hindu sa pagkain at kalinisan sa pangangatawan ay mahalaga para sa kanilang espiritwal na kalinisan. Ang mga pulubi at basurero at ang mga nasa pinaka mababang uri ng pamumuhay at hanapbuhay ay tinawag nilang impure or marumi kung kaya't ang mga ito ay di ibinilang sa caste. At ito'y tinaguriang untouchables.
No comments:
Post a Comment